Saturday, September 25, 2010

GSGWFI - Miyembro Pilipino


Ang layunin sa pag-gawa ng blog na ito ay ang manghihikayat sa lahat ng Pilipino, at sa mga may Dugong-Pilipino sa lahat ng panig ng mundo na sumapi sa "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc. at kami ay tulungang maiayos ang namamatay nating kalikasan, kalusugan ng ating mamamayan, at nagihirap na kababayan sa ating bansang Pilipinas.

Tayo po ay susunod sa kautusan ng ating dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nabalewala noong kapanahunan niya....Sa pagpapalit ng bagong Pangulo ng Bansa sa katauhan ni Presidente Benigno Simeon Cojuangco Aquino III na lalong kilala sa tawag na P-Noy ay atin itong bubuhayin muli dahil ito ay isang "Ehekutibong Atas" na mananatili habang ang bansa natin ay "Isang Bansang Demokrasya", at ito po ang kautusan:

Executive Order 774 S10 (b) Other government agencies and the entire Filipino people shall be made to understand and enjoined to fully cooperate and perform their respective roles and responsibilities to face climate change.

Sa "Wikang Filipino", ito po ang ibig sabihin nito:

Ang ibang ahensiya ng gobyerno at ang lahat ng Pilipino ay kailangang maintindihan at hinihikayat na lubos na tumulong at makiisa na gawin ang kanilang mga kagalingan at responsibilidad sa pagharap sa pagbabago ng ating klima...

Sa nakaraang panahon ng ating Foundation, binale-wala ng mga nanunungkulan sa mga nilapitan naming mga Siyudad at Munisipyo, gayundin sa Department of Environment and Natural Resources, at gayundin ang isang ahensiya ng gobyerno na sumasakop ng "Ehekutibong Atas" na aming sinadya at binigyan ng sulat panghingi (Solicitation) ng tulong na tulungan ang ating Foundation sa mga proyektong pangkalikasan.... pero ang aming mga sulat ay hindi man lang pinansin at ang mga sumagot naman ay sinasabing wala silang mga pondo para sa mga proyekto ng ating Foundation.....pagkatapos na kami ay pasalihin sa mga sesyon ng "Sanguniang Bayan"......masakit sabihin pero ang totoo ay maaring naubos na nila......

Sa pagpapalit ng ating bagong Pangulo, alam namin na siya ay susuporta sa amin, hindi man sa pera o halaga, kung hindi tutukan ang mga ahensiya ng gobyerno na hindi makiisa sa "Ehekutibong Atas" ng dating Pangulo dahil hindi siya papayag na ang mga gagawin niyang "Ehekutibong Atas" ay hindi na din gagawin kung sakaling hindi na siya ang Presidente ng bansa dahil tayo ay nasa isang "Demokratikong Bansa"!

Ngunit sa panahon ngayon na kailangang-kailangan na ang mga gagawa ng mga proyektong pangkalikasan ay hindi na muna tayo lalapit sa mga grupong gobyerno, bagkus tayo ay magpaparami ng mga miyembro, at pag tayo ay kailangan na uling lumapit sa kanila saka tayo muling makikiusap, sa ngayon ito muna ang tutukan natin:

Sa pagmi-miyembro sa ating Foundation:

Ang mga kailangan nating miyembro ng Foundation ay kailangan may damdaming makakalikasan dahil ito na ang kailangan sa panahong ito, di natin kailangan ang plastikan lang na tumutulong daw yun pala sila ang sumisira ng ating kalikasan.... dahil tayo mismo sa ating mga miyembro ay magkakaroon ng problema kung mahahaluan tayo ng mga plastic, problema na nga sa basura ang plastic, kaya ang dapat lang na mga magiging miyembro ay tapat sa kanilang susumpaan....na magiging protektor at tagapangalaga ng kalikasan at Sambayanan!

Ang ating Foundation ay mahirap, pero nasasa-atin ang mga teknolohiyang pangkalikasan, at damdaming makakalikasan, at ito lang ang ating maipagmamalaki, hindi tayo sumasama sa mga aktibidades na pangkalikasan dahil wala tayong ibabayad ng float sa parada, wala tayong kumpanya na susuporta kung sakaling magkakaroon ng event ng payabangan, pataasan ng ihi, at plastikan....masakit mang sabihin pero ito ang totoo....tignan ninyo yong organisasyon na minsang nagpalinis ng dagat (Kailan kaya ang ulit) humawak ba sila ng basura, hindi naman po di ba, humanap ng mga boluntaryo at mga binayaran para sila ang magtrabaho....noong ininterview yung namumuno, bihis na bihis at akala mo pupunta ng party.....nakakalungkot....exposure lang pala sa media ang gusto....

Sa mga nakaraan nating blog,sinasabi doon na ayaw natin ng mga boluntaryo o pagboboluntaryo, dahil kung talagang "Makakalikasan", hindi puwede ang minsan lang sa isang taong pagbobolantaryo, dahil wala ding mangyayari kung pati kapaligiran at kalusugan ng iyong mga kababayan ang pangangalagaan mo dahil sila ay likas din na ginawa ng ating "Panginoong DIYOS" na kailangan din nating alalayan...

Tignan ninyo po ito, kung aayusin mo ng tama ang basura sa inyong lugar, puwede ba yang minsan isang taon, kung magtatanim ka ng organikong gulay, prutas, at mga puno, puwede ba yan minsan isang taon, kung maglilinis ka ng dagat o ilog, puwede ba yan minsan isang taon, kung gagawa ka ng proyektong makakatulong sa mga kababayan mo, puwede ba yan ng minsan isang taon......pero kung plastikan lang...para maubos ang pondo, puwede nga siguro?????

Sa araw na ito (Setyembre 26, 2010)anibersaryo ng "Ondoy Tragedy" ay maguumpisa kaming manghihikayat ng mga "Regular na Miyembro", mga "Miyembrong Tagapagtaguyod", "Tagapagtaguyod", at mga "Miyembro sa Ibayong-Dagat"......kailangan natin yung mga huli na siyang susuporta sa ating Foundation......hindi po kasi puwede ang hindi araw-araw na pagtulong ang ating gagawin para sa ating kalikasan...ipapaliwanag po natin ito ng unti-unti....

Ang ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay isang "Non-Profit Corporation", sa madaling salita walang kita....pero ang artikulo naman ng korporasyon na ito na pinayagan ng ating gobyerno ay puwedeng humingi ng tulong sa mga may pondong "Ahensiya ng Gobyerno" at maging sa mga kumpanyang pribado o kaya umutang sa bangko o sa mga pribadong nagpapautang upang magampanan ang mga proyektong pangkalikasan at mga proyektong pangkabuhayan (Livelihood), gayundin ang mga humanitarian care activities o mga proyektong pang-tao!

Sa ating Foundation, ayaw namin ng nanghihingi ng walang kapalit......maaring trabaho ang aming ipapalit sa inyong ibibigay na halaga o ang pagkokomersiyo ng inyong mga produkto sa ating website at sa mga kakabit na website ng ating Foundation, at ang inyong mga itutulong ay maibabawas pa sa inyong mga pagbabayad ng buwis dahil kami din po ay isang ahensiya ng "Department of Social Welfare and Development"!

Ayaw din natin ng uutang ng walang nakahandang magtratrabaho para sa ating magiging proyekto, na napakadami kung talagang magtutulong-tulong ang lahat ng Pilipino!

Ang sinasakop ng ating lisensiya sa Department of Social Welfare and Development ay ang Region 3 at National Capital Region....sa mga lugar na ito ay may lisensiya tayo na puwedeng gamitin para tayo ay tulungan o kaya ay umutang....pero hindi magiging sapat ito kung walang magtra-trabaho......kaya kami ay manghihikayat ng mga magiging bagong mga miyembro sa mga lugar na ito....

Ang National Capital Region ay may labing-anim na siyudad at isang munisipyo (17), samantalang Bulacan na tinatahanan (Main Office) ng ating Foundation ay may Dalawanpu't tatlong (23) Siyudad at Munisipyo, at sa Region 3 ay may pitong (7) probinsiya, kaya manga-ngailangan tayo ng apatnapu't apat (44) na Direktor at Board Member na siyang mangangasiwa ng kanilang mga miyembro, bukod sa mga dating direktor, kailangan natin itong gawin dahil mahihirapan ang mga Direktor sa kasalukyan na pangasiwaan ang ganito kalaking lugar, at ito po ang mga kailangan nating mga miyembro:

1. Regular na miyembro - Ang regular na miyembro ay kailangang may sapat na kakayahang magtrabaho, marunong sumulat at bumasa, at kahit na hindi gaanong nakapag-aral ay kailangang walang kasalanan sa bayan at lipunan, kaya natin silang turuan, mga walang sapat na pinagkakakitaan (Hindi empleyado), at yung mga na-displaced sa dati nilang tinitirhan o nailipat at walang natangap na biyaya para mapagkakakitaan o tinangap sa livelihood program ng gobyerno, sila ang mga kailangan nating mga regular na miyembro para tayo makatulong sa pamumuhay nila....

2. Miyembrong Tagapagtaguyod - Ito ang mga miyembrong may sapat na kakayahan na tumulong sa ating Foundation, maaring nagtra-trabaho o may negosyo. sila ang mga magpapauna ng mga gastusin na maibabalik din sa pamamgitan ng pagbawas sa kanilang mga buwis at tatangaping allowances, kailangan po natin ng mga "Miyembrong Tagapagtaguyod" dahil tayo ay walang pinagkakakitaang korporasyon, sa kanila mabubuo ang mga opisyales ng isang lungsod o probinsiya, at bubuo ng kanilang sariling opisina.

3. Honoraryong Tagapagtaguyod - Ang mga "Tagapagtaguyod" ay ang mga may-ari ng mga kumpanya, mga direktor sa mga sangay ng gobyerno, o mga lingkod bayan. Sa kanila mangagagaling ang mga suportang kinakailangan ng ating Foundation, katulad ng "Miyembrong Tagapagtaguyod", mababasa din ang kanilang mga profile sa ating mga website at paglalathala ng libre ng kanilang mga produkto, at ang halaga o mga gamit na itutulong ay maaring maibabawas sa kanilang mga buwis na babayaran sa ating pamahalaan, maari ding nilang ipagawa sa mga "Miyembro ng ating Foundation ang mga bagay na hindi nila magawa para sa ating kalikasan....

4. Ang mga may dati ng grupong pangkalikasan, mga Organisasyon, Foundation, Club, Assosasyon, o Barangay man ay puwede din ninyong magamit ang mga teknolihiya ng ating "Foundation" at pagtrabahuhin ang aming mga miyembro sa inyong mga proyekto kung kayo po ay aanib sa "Save Our Nature Philippines Movement" na inumpisan ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc. at gagawa ng Memorandum of Agreement, ito ay kung hindi kayo rehistrado sa "DSWD", kung rehistrado naman ay pipirma na lang ng Sec Registration form ang inyong Chairman o Presidente bilang isa sa mga kaanib ng movement o pagkilos na ito(Sila ang mga grupong nagdadalawang isip kung sasapi sa Foundation dahil may grupo na sila, at dahil kailangan na talaga tayong kumilos para sa kalikasan, magtulungan na lang po tayo!

5. Sa mga nasa ibang bansa na gustong tumulong at maging miyembro ng ating Foundation, sumulat po sa contact-us page ng ating website at ibigay ang numero inyong telepono at ng mapagusapan natin ang mga paraan paano natin kayo magiging mga miyembro, o kaya naman ay sundin ang mga alituntunin na inyong makikita sa ating website: http://virginpecopro.net/miyembo_pilipino!

6. Gayundin sa mga lugar na hindi nasasakop ng Region 3 at NCR, doon din po sa website sa itaas kung paano magiging miyembro ng ating Foundation, basahin na lang po doon (Klik lang po ang link sa ibaba ng "Miyembro Pilipino" sa itaas, Kanan)!

Kailangan na po tayong kumilos para sa ating kalikasan, sundin natin ang batas na nagawa para sa pagbabago ng klima, napakarami nito, sayang kung matutulog lang katulad ng RA 9003, na naisabatas noon pang taong 2003, ituturo natin ito sa kada siyudad at probinsiya, ang kailangan lang ay pagkakaisa, pagtutulungan, pagtitiwalaan, at pagkakapatiran ng bawat Pilipino at maiaayos natin ng tama ang ating kalikasan, para sa ating bansang Pilipinas, at sa susunod na henerasyon ng ating lahi!

Salamat po, mabuhay kayo, at GOD Bless....

Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.

Klik lang po yung mga link sa itaas para makompleto ang inyong binabasa!

No comments:

Post a Comment